tres – talkin’

Watch

Posted in Personal by tres on December 19, 2008

Somewhere in the cyberspace, tres years ago, below was written in one of my old blog before I transferred in wordpress. I am talking here about my wishlist. Here it goes:

Relo

Wala akong ginagamit na relos ngayon. Ang huling relos ko ay yung nabili ko nung college pa lamang ako. Pinag-ipunan ko yun mula sa aking allowance. Ginagamit ito ng utol ko dati pero sira na ata kasi hindi ko na nakikita. Wala na rin akong palitan sa ngayon. Hindi naman kasi ako yung taong “time conscious” masyado na kailangang nakatingin sa orasan minu-minuto. Saka meron naman orasan sa computer ko na siya namang lagi kong kaharap. Kung nasa labas nama’y nandiyan ang cellphone. Para sa akin, ito ay luho lamang at hindi isang kailangan.

Gusto ko pa ring magkaroon ng relos hindi dahil sa kailangan ko ito. Pero kung magkaroon man ako, iyong may simbolismo (sign of hardwork, perseverance, membership). Halimbawa, sa aking trabaho, ang relo ay binibigay sa mga service awardee, yung mga empleyado loyal na nakatagal na ng limang taon, sampu o higit pa. Binibigay ito tuwing anniversary ng kompanya. Mukhang madali lang, pero hindi. Isa itong challenge, isang reality show na tulad ng Survivor o kaya’y The Apprentice (hindi nga lamang ito napapalabas.)

Pangatlong taon ko na rin dito, isa itong achievement para sa ‘kin dahil di ko inaakalang tatagal ako kahit man lang isang buwan dito pero hanggang sa ngayon nandito pa rin ako. Pero malaking tanong para sa akin kung magtatagal pa ako at makakabuo ng limang taon. Maraming kasing “squeeks” at “gripes” diumano sa grupo, may maririnig ka pang mga “going concerns” na nakapanghihina ng loob. Dagdag pa ang masyadong pressure na dulot nito at personal issues na hindi nabibigyan ng kasagutan. Siyempre may opportunities pa rin sa labas na nakapanghihinayang na palagpasin ang mga ‘to.

Pero masarap pa ring magkaroon relo may malalim na kuwento. Kailan kaya ako magkakaroon nito?

The answer to the question is coming. I have completed my five years of stay in the company thus it makes me eligible for a loyalty award to be given later. The watch though might not be given today. Will have to wait ’til next month for this will be given out to the awardees. Still, I am happy I will have my wish granted: a timepiece with a story behind it. Sweet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: